Thursday, November 19, 2009

idonthaveatitleonit

Note: This is a long overdue already but for the sake of being ahem "first timer" here let me post this:

May 26, 2009

Bakit kaya gnun? Bakit kahit anung pilit mung kalimutan ang isang tao may oras talaga na hindi mo matiis sya at parang pag nakita mo sya sa oras na ‘to parang yun na ang katuparan ng hiling mo?

Nakakatawang isipin na pagkatapos ng lahat sya pa rin ang laman ng tumitibok mong puso, ilang taon ko na bang nasabi sa sarili ko na ayoko na, pero sa huli ang salitang “ayoko” ay nagiging baliktad, taliwas sa mga sinabi ko sa sarili, tapos ito nanaman, ako nanaman ang talo. Napapagod na ako. Oo pagod na sa ganitong paulit-ulit na cycle pero ano ba ang laban ng isang ordinaryong tao na katulad ko sa mga ganitong problema.

Sabi nila kalimutan mo na sya, ginawa ko namam ah, yun nga lang panadalian nga lang, bakit ba kasi ganun? Hindi ba pwedeng pag nagkagusto ka isang tao at pareho kayong libre eh pwede kayong dalawa nalang?? Hay malamang kung naging ganito ang rule, malamang eh lahat ng tao eh couple walang single, Oh diba mas masaya yun, pero syempre hindi pwede, hindi mo naman mamagic ang mga taong katulad ko at katulad ng lahat.

Hayyy kelan ba ako titigil sa pag sisintimyento sa mga naararamdaman ko, minsan iniisip ko ano ba ang nararamdaman ng mga taong apathetic o mga taong walang pakialam sa paligid nila, malamang wala, hindi dahil manhid sila physically pero pinili nilang maging manhid at wag ng makisawsaw sa mga problema, pero juice ko hindi ko naman kayang gawin yun, habang humuhinga ako, palagay ko magiging forever akong pakialamera, siguro masarap maging apathetic din minsan, kasi atleast pag wala kang pakialam sa mga bagay at tao malamang hindi ka maiinlove, ang saklap nun, pero on the other hand maganda rin kasi malamang hindi ako mag aaksaya ngayon ng kuryente kakasulat ng kung anu-ano para lang mailabas ko yung nararamdaman ko.

Pero alam ko din naman yung kahihinatnan nito, malamang sa huli talo nanaman ako, sino ba kasi ang nagpauso ng fairytale? Wala naman kasing ganun, ayan tuloy hanggang ngayon nangangarap pa din ako na may prinsipeng dadating. Kakainis sa susunod nga hindi na ako manunuod ng mga chick flicks lalo lang akong nagiging ilusyunada.

Ang sarap kasing mangarap, masarap mangarap kasi atleast dun you’ll find your tranquility pero ano naman ang silbi nun kung hanggang pangarap nalang yun? Diba para naman akong patay na nun, forever tulog dahil malamang dun ko lang mararanasan ang mga bagay na inaasam ko.

Hayyy…..malamang sa susunod uulitin ko nanaman itong sintimyento kong ito, dahil tao lang ako, taong mahilig mangialam, taong mahilig magmahal.

No comments:

Post a Comment