My eyes hurts again, sumasakit nanamna sya malamang kakabasa ko ng blog ni John Lapus, nakakaaliw yung baklang yun, nakakatuwa kasi hindi nya kinahiya yung pinanggalingan nya. Kahit na mahirap lang sila eh talagang nagpunyagi sya.
Pag gising ko kanina pa lang umaga mabigat na pakiramdam ko, hindi dahil sa puyat dahil kagabi naglamay kami sa tito ko he died because of stroke, he one of the closest cousins ng papa. Kasi nung pag gising ko naalala ko ang liit ng sahod ko, nalungkot ako mas maliit pa ito kaysa sa kinikita ko dati, hindi ko tuloy maibili manlang ang sarili ko ng gamit, naaawa ako sa sarili ko ngayon naturingang may pinag aralan pero heto nag titiis sa ganitong trabaho.
Hindi ko pwedeng i-deny o itago sa sarili ko ang mga desisyon ko na sana pinag isipan ko ng husto katulad ng:
-sana hindi ako nagpadalos dalos
- ano kaya kung andoon pa ko?
-sana yung OT ko may malaking bayad
- sana may mga libre akong tickets ngayon
- sana may cellphone akong bago
- sana parati akong nakakagimik
hay ...oo may mga bagay akong pinagsisihan ngayon pero ang pinakaimportante ay ang humanap ng solusyon. Oo hahanap ako ng solusyon sa problema ko, may awa naman ang Dyos at higit sa lahat may tiwala ako kanya.
No comments:
Post a Comment