Friday, March 30, 2012

Ang peg ko for this day

Ngayong araw na to' for once ayokong gumawa ng kahit na ano
Gusto ko sanang mag unwind
Pero paano ko naman gagawin yun kung wala akong pang unwind
Gusto ko sanang pumunta ng Quiapo para bumili ng pirated dvds
Pero hindi naman sumasagot si Dominic

Gusto ko sanag mag sentimiento na wala na akong pera
Pero alam ko naman na di ginusto ni Mama na makapos kami
Gusto ko sana maghanap nalang ng trabaho
Pero paano ko gagawin yun? di naman kaya ng konsensya ko

Gusto kong sumaya
Pero ang hirap

Gusto ko sanag mawala ng parang bula
Pero paano ko naman gagawin yun?


Wednesday, March 28, 2012

This is it!!
Kinakabahan nanaman ako...
Parang may mangyayari nanaman
Parang may pasabog nanaman sa buhay ko later.
Nakaka kaba
Shettttt

Sunday, March 4, 2012

Gusto ko ng lumipat ng trabaho...

Dati gusto kong lumipat ng trabaho dahil gusto kong tumakas
Pero ngayon gusto kong umalis dito para maka pag move on na

Dati gusto kong umalis na dito dahil naniniwala akong monster si boss
pero ngayon parang naiintindihan ko na kung bakit may mga outbursts sya

Dati gusto kong lumayas dito kasi di kami magkasundo ng amo ko
Ngayon alam ko na ang pinag uugatan nito --- yung teammate ko

Dati gusto ko ng umalis dito para makahanap ng mataas na sahod
Ngayon-- ganun pa din rason ko :))

Ang dami kong dahilan nuon para umalis, pero hanggang ngayon andito pa din ako...
Alam kong may dahilan si Lord kung bakit andito pa din ako. Oo mahirap tanggapin, pero ano naman bang magagawa ko? Pero sa totoo lang kahit na mahirap atleast madami akong natutuhan, di rin minsan maiwasan na masigawan, mamura, may madisppoint pero at the end ok lang. Sana soon makahanap na ko ng malilipatan.